Likas sa atin mga momshies ang maghanap ng mga produktong malaki ang maitutulong sa atin mga gawaing bahay tulad ng paglalaba. Sa totoo lang marami na akong nasubukan mga sabong panlaba pero may hinahanap hanap pa din ako eh. I’m still looking for the best laundry detergent.

Gusto sana ko yun may superior cleaning formula, tumatagal ang mabangong amoy sa mga damit, mild sa kamay at syempre affordable.

Buti na lang may bagong product na nai-chika sa akin si Mommy Gracie of Tipid Mommy and Tipid Living Community. Alam nyo ba kung ano yun mga momshies?

Ano kaya ang laman ng Hulabada box?

Wow may Downy Detergent na!

Napa wow ako sa happiness dahil good news ito sa mga Downy lovers and loyalists na katulad ko.

Ang perfect match sa paborito nating fabcon, ang DOWNY may DETERGENT na!

Yes, may DETERGENT na ang DOWNY!

At dahil excited ako, sinubukan ko agad ang Downy Detergent. I used it sa damit ni Lyla na may stain ng orange, alam naman natin ang mga kids, makalat kumain, kaya pati sa damit napupunta.

Ang verdict?

Eto na, eto na talaga ang hinahanap ko. Finally, I’ve found the one for me and I’m so happy!

Why I love the New Downy Detergent?

May Super Cleaning formula

Konting kusot lang sa damit ni Lyla, nawala agad ang mantsa. Parang bago na nga ulit ang damit eh!

Amoy perfume

Na-love at first smell ako, mga momshies, grabe ang bango nya kasi.

Kaya pala ang bango ng New Downy detergent dahil ito sa blue/pink beads, these are the perfume boosters for long lasting freshness ng mga damit natin. Eto lang ang detergent powder na mayroong perfume boosters. Ang bongga!

Mild sa kamay

I did not use our washing machine to test if mild sa kamay ang Downy Detergent. And totoo nga kasi hind nag dry ang mga kamay ko after mag laba eh, unlike sa ibang mga sabon na nagamit ko na. Approved!

Very affordable

Sobrang affordable ng Downy Detergent, P10 lang ang 43 grams for 1 wash. Tipid di ba?

Finally, our longing has been answered. Hindi ba’t ito naman talaga ang hinahanap natin mga Inay?

I’m so thankful sa new Downy Detergent dahil may malinis at mabangong damit na ang aking family. Nakakabawas na sa stress natin mga nanay kaya super recommended ko itong Downy Detergent!

Available na ang New Downy Detergent sa mga leading supermarkets, kaya GO, TRY IT and for sure, masasabi niyo rin “I’ve found THE ONE!”