May mga oras talagang hindi maiwasang mawala ang mga importanteng gamit o makalimutan kung saan ito nakatago. Isa na rito ang ATM o debit card.
Malaking abala kapag nangyari ito lalo na kung may emergency at kailangang mag-withdraw ng cash. Delikado rin kung makuha ng iba ang ATM o debit card at ma-access ang pera sa iyong account.
Payo ng BDO Unibank sa mga bank clients at debit cardholders, i-lock ang BDO Debit Card kapag pansamantalang hindi ito gagamitin upang maprotektahan ito sa mga unauthorized card-based transactions—isa sa mga scams na laganap ngayon. Kung gagamitin na ang ATM o debit card para sa transactions, napakadali lang din nitong i-unlock.
“(The Card Lock setting) protects your BDO Debit Card from unauthorized transactions. If you misplace or lose your debit card, you can lock your card to prevent ATM transactions and in-store and online payments from being processed,” ayon sa advisory ng BDO sa website nito. “You can simply unlock your card if you want to use it again.”
Ito ang 4 steps para mag-LOCK o UNLOCK ng BDO Debit Card:
- Mag-log in gamit ang BDO Online Banking account sa BDO website (bdo.com.ph).
- I-click ang Card Security Management sa upper right portion ng home screen.
- I-slide ang toggle button ng card na gusto mong i-lock o unlock.
- I-click ang Submit at i-enter ang One-Time PIN (OTP).
Maaari ring mag-LOCK o UNLOCK ng BDO Debit Card gamit ang BDO Digital Banking app sa smart phone:
- Mag-log in sa BDO Online app.
- I-tap ang More > Security Management
- I-slide ang toggle button ng card na gusto mong i-lock o unlock.
Dagdag pa ng bangko, walang limit sa pag lock o unlock ng BDO Debit Card.